CAUAYAN CITY- Sinampahan na ng kasong paricide, murder at illegal possession of firearms ang lalaking nakapatay sa kanyang asawa at nanghostage pa sa kanyang sarili sa Burgos,Isabela.
Ang sinampahan ng kaso ay si Rolando Gabriel habang ang napatay niyang maybahay ay si Gng. Isabel Gabriel, 61 anyos, kapwa residente ng barangay ng San Miguel Burgos, Isabela
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Senior Inspector Manny Roger Enriquez, hepe ng Burgos Police Station na matapos na madakip ang suspek na nang-hostage sa kanyang sarili at nagkanlong sa isang simbahan sa Linglingay, Gamu ay agad nilang sinampahan ng kaso.
Inihayag pa ni Senior Inspector Enriquez na ang kapitbahay ng mag-asawang Gabriel na si Dating Punong-Barangay Recardo Asuncion ay nadamay kung saan binaril ni Rolando Gabriel makaraang tangkaing umawat sa away ng biktima at suspek.
Dinala si Asuncion sa pagamutan ngunit habang ginagamot ay binawian ng buhay
Sinampahan din ng kasong pag-iingat ng hindi illegal possession of firearms dahil sa pagkakasamsam sa kanya ng Cal. 38 baril na walang lisensiya.
Magugunitang inabot ng anim na oras at naging pahirapan ang pagdakip ng mga pulis sa suspek makaraang magkanlong sa isang simbahan sa Linglingay Gamu,Isabela
Nasa Bureau of Jail Managament and Penology Ilagan City na ang suspek na si Rolando Gabriel.




