--Ads--

CAUAYAN CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa Rep.Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang lalaki matapos masamsaman ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Cauayan City.

Ang suspek ay si Harvey Tapaoan, 22 anyos dalawamput dalawang taong gulang, may-asawa, residente ng San Isidro, Cauayan City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Sr.Insp. Ranulfo Gabatin ng Cauayan City Police Station, sinabi niyang ipinasakamay sa kanila ng guwardya ng isang mall ang pinaghihinalaan matapos masamsaman ng isang malaking plastik sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Un rito, inireklamo ng isang Ginang si Tapaoan sa guwardiya ng mall matapos umano siyang bastusin .

--Ads--

Sa pagtatanong ng mga guwardiya at hanapan ng Identification Card ay nahulog ang isang plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Nakakulong ngayon si Tapaoan sa lock up cell ng pulisya sa Cauayan City.