--Ads--

CAUAYAN CITY – nagpanggap na kasapi ng Bureau of Fire Protection o BFP ang isang lalaki na nambiktima ng load scam sa isang binatilyo na nagtatrabaho sa isang flower shop sa Santiago City.

Ang biktimang ay itinago sa pangalang Gardo habang ang suspek ay nagpakilala sa pangalang Melvin Alvarez.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa tiyahin ng biktima, sinabi niya na umorder umano si Alvarez sa kanilang flower shop ng mga bulaklak, stuffed toys at alak.

Online ang transaksyon at kailangan munang magbayad ng cash kaya nagpasya ang dalawa na magkita sa isang mall upang doon iabot ang bayad

--Ads--

Hinintay umano ni Gardo si Alvarez subalit hindi dumating ngunit tuloy ang kanilang komunikasyon.

nagpaload umano si alvarez kay Gardo na nagkakahalaga ng apat na libong piso bago iabot ang kanyang order.

Pumayag si Gardo dahil nagtiwala babayaran siya ng nagpakilalang kasapi ng BFP.

Gayunman, matapos mabigyan ng load ay hindi na umano ma-contact si Alvarez kayat nagtungo ang binatilyo sa BFP Santiago City ngunit sinabi sa kanya na wala silang kasapi na Melvin Alvarez ang pangalan.

Dahil dito nagpasya si Gardo na umuwi at sabihin sa tiyahin ang nangyari.