--Ads--

Arestado ang isang lalaking nahaharap sa kasong panggagahasa at naitala bilang No. 7 wanted person provincial level sa Ramon, Isabela,

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Jaylord Sibbaluca ang hepe ng Santiago City Police Station 1, sinabi niya na isinilbi ng pinagsanib na pwersa ng SCPO Station 1 at Regional Intelligence unit 2 sa pamamagitan ng manhunt charlie ang warrant of arrest na inilabas ng korte laban sa akusado.

Aniya, naganap ang kaso noong 2018 na naganap sa Lungsod ng Santiago at naiulat lamang noong nakaraang taon kung saan ang biktima ay mismong kamag-anak lamang ng akusado.

Nagkakaroon umano ng pagkakataon ang akusado na pagsamantalahan ang biktima tuwing wala ang mga magulang nito o kung ang magulang ay nasa trabaho.

--Ads--

Ayon sa bata dahil sa takot ay hindi niya ito naisumbong agad sa kaniyang mga magulang at inabot pa ng ilang taon bago siya nagkaroon ng lakas ng loob na magsumbong sa pulisya.

Hindi naman pumalag ang akusado nang siya ay arestuhin na ng mga otoridad.