--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang lalaking nangikil sa isang tsuper ng van sa entrapment operation na isinagawa ng Station 1 ng Santiago City Police Office sa Malvar, Santiago City.

Ang dinakip ay si Michael Dela Cruz, nasa tamang edad, binata at residente Paracelis, Mountain Province

Manuel Furoc, 58 anyos, driver ng van, may-asawa at residente ng Mabini, Santiago City.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Station 1 na habang naghihintay ng pasahero ang biktima noong gabi ng Marso 2, 2018 ay lumapit sa kanya si Dela Cruz at sinabihang may nag-utos sa kanya upang patayin siya.

--Ads--

Sinabi pa umano ni Dela Cruz sa biktima na lumipat na lamang ng paradahan at magbigay ng P10,000.00 upang hindi mapahamak ang kanyang buhay.

Nakiusap umano ang biktima sa suspek na bigyan siya ng panahon para makapagbigay ng pera.

Nakipag-ugnayan ang biktima sa mga pulis at ikinasa ang entrapment operation laban sa suspek na nadakip sa Lunsod ng Santiago.