--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang lalaking nangunguha ng kiwet matapos na makuryente sa electric rod na ginagamit sa pangingisda sa Barangay San Fermin, Cauayan City.

Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan, natagpuang nakasubsob sa tubig sa likurang bahagi ng pumping station ang biktima na hinihinalang nanghuhuli ng kiwet at posibleng nakuryente ang sarili.

Batay sa ilang nakaugnayan ng Bombo Radyo Cauayan na barangay tanod ng San Fermin, Cauayan City, hindi nila kilala ang biktima at marahil ay hindi residente sa kanilang lugar .

--Ads--

Ang nasawing lalaki ay nakilalang si Reynaldo Divina, 36 anyos at residente ng Sillawit, Cauayan City.

Isang nagtitinda ng ice cream ang nakapansin sa biktimang nakasubsob sa tubig habang hawak ang gamit sa pangunguryente ng isda .

Maingat na inalis ng mga kasapi ng Rescue 922 ang gamit na pangunguryente sa isda bago iniahon sa tubig ang katawan ng lalake.

Magkatuwang na nagsiyasat ang mga kasapi ng Cauayan City Police Station at Scene of The Crime Operatives (SOCO) upang matukoy ang pagkakilanlan ng nasawing lalaki.