--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ng mga otoridad ang itinuturing na no. 1 Municipal Most Wanted Person dahil sa kinakaharap na kasong Statutory rape sa Brgy. Cadsalan, San Mariano, Isabela.

Ayon sa Isabela Police Provincial Office o IPPO, ang akusado ay nahaharap sa kasong dalawang beses na panggagahasa ng isang menor de edad.

Matagumpay na nahuli ang akusado ng pinagsanib na pwersa ng mga kapulisan ng IPPO sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng hukom noong ikalabing isa ng Hunyo, 2024 para sa naturang kaso na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Matapos na maihanda ang mga kaukulang dokumento ay ipapasakamay na ang akusado sa kanyang court of origin.

--Ads--