--Ads--

CAUAYAN CITY– Sinisiyasat na ng pulisya ang anggulo na posibleng miyembro ng mas malaking grupo o sindikato ang lalaking nasamsaman ng 6 kilong marijuana sa barangay Andres Bonifacio, Diffun. Quirino.

Matatandang nahuli si Ryan , 22 anyos , estudyante at residente ng Diffun Quirino sa buybust operation ng mga otoridad.

Nakuha sa kanyang pag-iingat ang mahigit 6 kilong marijuana na nagkakahalaga ng mahigit Php700,000.00.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Richard Angel, Deputy Chief of Police ng Diffun Police Station sinabi niyang nabanggit ng lalaki na napag-utusan lamang siya na kunin ang marijuana na nagmula umano sa Santiago City.

--Ads--

Ayon kay PCapt. Angel na posibleng bago pa lamang ang operasyong ginagawa nang lalaki lalo’t newly identified personality pa lamang umano ang estudyante at wala din siyang record sa pulisya.

Hindi din umano isinasantabi nang pulisya ang posibilidad na ginagamit lamang ang estudyante nang mga malalaking tao lalo at malaking halaga ang kontrabandong nakuha sa kanya.

Nasampahan na ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 ((Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002) ang pinaghihinalaan.

Ang pahayag ni PCapt. Richard Angel.