--Ads--

CAUAYAN CITY – Inilipat na sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP San Mateo ang lalaking nadakip at nasamsaman ng Caliber 22 magnum.

Kinakailangang maglagak ng piyansang P/100,000.00 ng suspek na si John Estabillo, isang welder bago siya makalaya pansamantala.

Magugunitang noong gabi ng ikasampo ng Abril, 2018 ay dinakip si Estabillo sa Barangay Marasat Pequenio, San Mateo dahil sa pag-iingat ng baril.

Natuklasan din ng pulisya na tatlong beses nagpaputok ng baril si Estabillo.

--Ads--

Hindi rin naniwala ang pulisya sa dahilan ng pinaghihinalaan na balak niyang isuko ang baril na nasamsam sa kanya na kanyang napulot umano noong Semana Santa.

Ang pinaghihinalaan ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and ammunition.