Humingi ng tulong sa Bombo Radyo Cauayan ang isang lalaki matapos umanong nakawin ang kanyang motorsiklo sa Minante 2, Cauayan City.
Personal na nagtungo sa himpilan ng Bombo Radyo Cauayan si Ginoong Jessie Barangay na residente ng Macaniao Angadanan Isabela upang ipanawagan ang nawawala nitong motorsiklo na ninakaw ng madaling araw kahapon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Jessie Barangay sinabi niya na madaling araw kahapon ay nakatulog siya sa gilid ng national highway sa bahagi ng Minante 2, Cauayan City dahil sa kalasingan at pagkagising niya ay wala na ang kanyang motorsiklo at maging ang kanyang pera dahil binuksan din umano ang kanyang bag.
Mayroon umanong isang lalaki na gumigising sa kanya ngunit dahil sa kalasingan at pagod sa trabaho ay hindi na ito nagising.
Nanawagan siya sa sinoman na makakakita sa kanyang motorsiklo na isang motorstar 110 na kulay orange at may plaka na B209NJ.
Aniya nagtatrabaho siya sa isang hardware at umuuwi sa Nungnungan kaya problema niya ngayon ang pagpasok sa trabaho.