CAUAYAN CITY – Sinampahan na ng kasong murder ang lalaking suspek sa pagpatay sa kanyang mismong ina sa Palattao, Naguilian,Isabela.
Matatandaang noong umaga ng February 25, 2023 nang matagpuan ang bangkay ni Lucylyn Ocampo, 63 anyos sa kanyang bahay sa nasabing barangay
Nasawi ang biktima sa pamamagitan ng pananakal at ang pinaghihinalaan ay ang anak na si Alphie Ocampo, 35 anyos, dating security guard sa Laguna.
Lumalabas sa post mortem examination na posibleng hinampas ng matigas na bagay sa mukha ang biktima bago pinatay sa sakal dahil sa mga nakitang sugat sa bibig nito.
Hinihinala rin na nakaranas ng sobrang pananakit ang biktima bago tuluyang binawian ng buhay.
Patuloy ang paghahanap ng pulisya sa pinaghihinalaan na tumakas matapos isagawa ang krimen.