CAUAYAN CITY -Patuloy ang isinasagawang hot persuit operation sa tumakas na suspek na pumatay sa kanyang sariling ina sa barangay Palattao, Naguillian, Isabela.
Matatandaang umaga noong Sabado February 25, 2023 ng Pebrero ng matagpuan ang bangkay ni Lucylyn Ocampo, 63 anyos ng nasabing barangay.
Nasawi ang biktima sa pamamagitan ng pananakal at ang pinaghihinalaan ay ang anak nitong si Alphie Ocampo, 36 anyos, dating security guard sa Laguna.
Lumalabas sa post mortem examination na posibleng hinampas ng matigas na bagay sa mukha ang biktima bago pinatay sa sakal dahil sa mga nakitang sugat sa bibig nito.
Hinihinala rin na nakaranas ng sobrang pananakit ang biktima bago tuluyang binawian ng buhay.
sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan,inihayag ni PCapt. Federico Tulay, Deputy Chief of Police ng Naguillian Police Station na sinuri nila ang mga kuha ng CCTV Camera sa mga maaring daanan ng suspek.
Matapos anyang gawin ang krimen noong gabi ng Biyernes ay nakipag ang pinaghihinalaan lumabas sa kanto galing sa pinangyarihan ng krimen at sumakay ng pampasaherong bus papuntang Cubao.
Nakipag-ugnayan ang Naguillian Police Station sa bayaw ng pinaghihinalaan na isang pulis na nakalataga sa Mandaluyong City at pinapuntahan ang mga terminal ng sasakyan na manggagaling dito sa rehiyon dos.