--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinampahan ng kasong serious physical injury with permanent deformity ang isang lalaking nanuntok sa kapwa lalaki sa Baringin Norte, Cauayan City.

Ang akusado ay si Ruel Domingo, nasa tamang edad at residente ng barangay Guayabal, Cauayan City habang ang biktima ay si Michael Raymundo 34, may asawa at residente ng barangay Rizal, Cauayan City.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station na nasa harapan ng isang sabungan sa barangay Baringin Borte ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo ng lapitan siya ng suspek at saka kinumpronta kaugnay sa nakaraan nilang alitan.

Nang tumayo umano ang biktima mula sa kanyang motorsiklo ay dito na sinuntok ng suspek ng dalawang beses sa kanyang ulo at bibig.

--Ads--

Dahil dito ay natanggal ang isang ngipin ni Raymundo at saka natumba.

Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima habang ang suspek ay umalis matapos silang awatin ng mga taong naroon.