--Ads--

CAUAYAN CITY – Nahaharap sa kasong bigong pagpatay ang isang lalaki matapos saksakin ang kanyang manugang sa Bone South, Aritao, Nueva Vizcaya.

Ang suspek ay si Claudio Guron, 59 anyos, may asawa, walang trabaho, habang ang biktima ay si Richard Villanueva 34 anyos, may asawa magsasaka at kapwa residente ng naturang lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Inspector Giovanni Cejes, hepe ng Aritao Police Station nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan pangunahin na ang away pamilya ang dalawa na nagresulta upang saksakin ng suspek ang tiyan ng biktima.

Nagawa pang manlaban ng biktima dahilan upang matumba ang suspek.

--Ads--

Agad namang humingi ng tulong ang anak ng biktimang si Villanueva sa mga opisyal ng Barangay at agad isinugod sa Veterans Regional Hospital sa Bayombong para malapatan ng lunas ang natamong sugat habang ang suspek ay nadakip kasama ang kutsilyong ginamit sa pagsaksak sa biktima.