Patuloy na pinaghahanap ang isang lalaking tumalon mula sa sinasakyang bangka at nalunod matapos tangayin ng agos ng ilog sa Barangay Lenzon, Gamu, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. John Sarmiento Deputy Chief of Police Gamu Police Station, sinabi niya na nagpapatuloy ang rescue operation sa lalaking umanoy biktima ng pagkalunod.
Batay sa inisyal impormasyong nakarating sa kanila sakay ang biktima at sampung iba pa ng isang bangka at natakot umano ang biktima dahil sa pagpasok ng tubig sa sinasakyang motor bangka kaya tumalon ito sa tubig.
Sinubukan naman umano ng may-ari ng bangka na huwag tumalon dahil hindi lulubog ang bangka subalit nagpumilit ito at lumangoy mag-isa.
Dahil sa may kalaliman ang ilog ay hindi ito nakaabot sa pampang matapos na tangayin ng tubig.
Dahil sa insidente ay maghihigpit na ang Pulisya katuwang ang Opisyales ng Barangay sa monitoring sa mga nagtutungo sa ilog lalo na kung malalim o mataas ang antas ng tubig.