--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasaksak sa braso ang isang lalaking umawat lamang sa away ng isang lasing na lalaki sa Salinungan, San Mateo, Isabela.

Ang biktima ay si Roberto Buenavidez habang ang suspek ay si Sherwin Zapata, 18 anyos, helper at kapwa residente ng Salinungan West, San Mateo, Isabela.

Sa pagsisiyasat ng San Mateo Police station, umawat lamang si Buenavidez nang mapansing inaaway ni Zapata ang isang motorista ngunit siya ang pinagbalingan.

Nasaksak ang biktima sa kanyang braso at agad dinala sa isang pribadong pagamutan sa bayan ng San Mateo ngunit inilipat sa lunsod ng Santiago.

--Ads--

Hindi pa naman natanggal ang kutsilyo sa braso ng biktima habang siya’y dinadala sa pagamutan sa Santiago City.