CAUAYAN CITY- Malaki ang potensyal ng lalawigan ng Isabela pagdating sa sektor ng turismo at agrikultura.
Ito ang inihayag ni Japan Ambassador to the Philippines Endo Kazuya sa kanilang pagbisita sa lalawigan upang makiisa sa pagdiriwang ng Bambanti Festival 2025.
Aniya, para mas lalo pang mapalakas ang ang turismo sa lalawigan ay kinakailangang mas paigtingin ang connectivity nito sa ibang mga lugar at bansa gaya ng Japan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas maayos na paliparan at mas maraming flights para mas marami ang makabisita sa Isabela.
Ayon kay Ambassador Kazuya, mabaait at palakaibigan ang mga taga-Isabela kaya naman ipinagpapasalamat niya ang mainit na pagtanggap sa kanila.
Inanyayahan naman niya ang mga kapwa niya Hapon na bumisita rin sa lalawigan ng Isabela.
Samantala, pinuri naman ni Indonesia Ambassador to the Philippines Agus Widjojo, ang pagiging creative ng mga IsabeleƱo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ambasador Widjojo ng Indonesia, sinabi niya na marami ang kayang gawin at malayo ang maaabot ng mga taga-Isabela sa pagiging malikhain ng mga ito na kanilang ipinamalas sa kanilang mga Agri-Eco Tourism Booth.
Ito aniya ang unang pagkakataon na narinig niya ang lalawigan ng Isabela kaya naman hinikayat niya ang mga IsabeleƱo na mas palakasin ang ugayan nito sa ibang bansa para makilala ito sa buong mundo.
Maaari aniya itong gawin sa pamamagitan ng pag-export ng mga lokal na produkto at pag-promote sa turismo ng lalawigan.
Maganda rin aniya ang pagkakaroon ng taunang Bambanti Festival dahil sa pamamagitan nito ay parang nalilibot na rin ng mga turista ang buong bayan sa Isabela.