--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakahanda na ang Nueva Vizcaya Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa banta ng bagyong Pepito.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mary Kristine Olog, Planning Staff ng PDRRMO Nueva Vizcaya, sinabi niya na nagsagawa na sila ng preemptive evacuation sa bayan ng Aritao ngunit kasalukuyan pa rin ang kanilang consolidation kung ilang pamilya na ang nasa mga evacuation centers.

Aniya, nag-request na sila ng mga personnel na bihasa sa Search and Rescue Operations upang tumugon kung sakali mang kailanganin.

Tinutukan naman nila sa ngayon ang mga flood prone at landslide prone areas gaya na lamang ng Ambaguio at Kayapa maging ang mga flood prone Areas sa lalawigan.

--Ads--

Sa ngayon ay passable pa rin naman ang lahat ng mga pangunahing kalsada sa Nueva Vizcaya maliban na lamang sa ilang mga kalsada na apektado ng nagpapatuloy na mga road constructions.