--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakapagtala ng sampong panibagong kaso ng COVID-19 ang Quirino Province.

Umakyat na sa pitumput isa ang total cases, apatnaput dalawa ang gumaling at dalawamput siyam ang active cases.

Ang  tatlong panibagong kaso ay naexpose kay CV8257 na kasamahan nilang nagtratrabaho sa COVID Ligtas Center.

Ang dalawa naman ay naexpose kay CV8383 na kanilang kapamilya.

--Ads--

Ang limang positibo sa virus ay pawang walang  sintomas ng  virus at naka-quarantine ngayon sa COVID Ligtas Center.

Ang isang buntis naman na walang sintomas ng COVID-19 at may  travel history sa Cordon, Isabela ay nakatakdang ilipat sa  Southern Isabela Medical Center para sa quarantine.

Ang dalawa pang nagpositibo ay mga pulis na nakadestino sa Aglipay Police Station habang ang isa sa kanila ay galing sa kanyang tahanan sa Alfonso Lista, Ifugao at ang isa ay mula sa Aparri, Cagayan.

Sila ay ililipat sa Police Regional Office 2 sa Tuguegarao City para sa quarantine.

Sumunod ang limampong taong gulang na lalaki, residente  ng Barangay Ponggo, Nagtipunan at na-expose din sa kanyang kasama sa simbahan.

Sunod ang tatlumpu’t apat na  taong gulang na lalaki, residente ng  Pinaripad Sur, Aglipay, isang pulis na nakadestino sa Nagtipunan Police Station.

Walang sintomas ng COVID-19 at naka- quarantine sa COVID Ligtas Center.

Ang mga Contact Tracing Teams ng LGU ay patuloy ang isinasagawang contact tracing sa mga close contacts ng mga nagpositibo sa virus.