--Ads--

CAUAYAN CITY – Nais nang ipagbawal ng Land Transportation Office (LTO) region 2 ang pagbebenta ng mga open mufflers sa publiko.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Manuel Baricaua, assistant regional director ng LTO region 2 sinabi niya na dapat sana ay gawing illegal ang pagtitinda ng open muffler sa mga tindahan.

Hinuhuli lamang aniya ang mga motorsiklong gumagamit ng mga maiingay na muffler kaya upang maiwasan ito ay pagbawalan na lamang ang mga nagtitinda.

Sa ngayon ay plano na ng ahensya na kausapin ang mga Local Government Unit (LGU) at maging ang Department of Trade and Industry (DTI) upang maisakatuparan ang planong ito.

--Ads--

Ang penalty ng mga mahuhuling minomodify ang kanilang mga muffler ay 5,000 pesos.

Hindi lang umano mga motorsiklo ang kanilang puntirya na pagbawalan sa pagbili ng mga open muffler kundi lahat ng sasakyan lalo na at hindi talaga dapat minomodify ang mga muffler.

Panawagan ng LTO sa mga motorista na maging responsable sa paggamit ng kanilang sasakyan.