--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagsasagawa ng Terminal Inspection ang Land Transportation Office Region 2 upang masiguro maging ligtas ang mga mananakay ngayong Holiday Season.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Regional Director Manuel Baricaua ng LTO Region 2, sinabi niya na isa sa mga minomonitor ng kanilang hanay ay ang mga colorum na sasakyan dahil maituturing umano itong “disadvantage” para sa mga pasahero dahil ito ay ilegal.

Kahapon lamang ay mayroon umano silang tatlong private van na nahuli sa Lungsod ng Tuguegarao na mula sa kalakhang Maynila.

Inimpound naman umano nila ang nahuling mga sasakyan at pinag-aaralan pa nila ang pagsasampa ng criminal liability laban sa mga tsuper at may-ari nito dahil sa paggamit ng colorum na behikulo.

--Ads--

Aniya, mas mainam kung sa pampublikong sasakyan sumakay ang mga mananakay dahil kung sakali mang masangkot sila sa aksidente ay maaari umano silang makakuha ng insurance.

Maliban sa Colorum ay tinututukan din nila ang mga overloaded na truck.

Kaugnay nito ay nagtalaga sila ng team na magbabantay sa boundary ng Bagabag at Diadi maging maging sa bayan ng Aritao, Nueva Vizcaya na daanan papasok at palabas ng Region 2

Samantala, nagsagawa rin umano sila ng Drug Testing sa mga Drivers ngunit wala naman umanong nagpositibo rito.