--Ads--

Nanalo si Lando Norris ng kanyang kauna-unahang Formula 1 World Drivers’ Championship nitong Linggo matapos magtapos sa ikatlong pwesto sa deciding showdown sa Abu Dhabi.

Kasabay nito, nakumpleto ng McLaren team ang clean sweep matapos makuha rin nila ang Constructors’ Championship sa Singapore noong Oktubre.

Nananalo man sa final race si Max Verstappen ng Red Bull mula sa pole position ngunit hindi nito nalampasan si Norris sa kabuuang puntos ng season na 423, dalawang puntos lamang ang kulang.

Ang tagumpay ni Norris ay nagtapos sa four-year reign ni Verstappen sa Formula 1. Plano sana ni Verstappen na mapanatili ang kanyang korona at makamit ang record-tying na ikalimang sunod-sunod na Drivers’ Championship, na magpapantay sa kanya kay F1 legend Michael Schumacher.

--Ads--

Nagtapos naman ang teammate ni Norris na si Oscar Piastri sa ikalawang pwesto sa deciding showdown ngunit pangatlo sa overall standings na may 410 points.

Sa edad na 26, si Norris ang ika-11 British driver na nanalo ng championship at ang una mula kay Lewis Hamilton noong 2020.

Sa sumunod na siyam na grand prix, ito lamang ang ikalawang pagkakataon na natalo siya ni Piastri sa isang race, na nagbigay-daan sa kanya para manalo sa Mexico at Brazil at maging top contender para sa kanyang unang F1 title.