--Ads--

CAUAYAN CITY – Naitala ang pagguho ng lupa sa bahagi ng daan sa bayan ng Kasibu, Ambaguio at Antutut, Kasibu, Nueva Vizcaya dahil sa mga pag-ulan na dulot ng bagyong Pepito.

Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Nueva Vizcaya, pansamantalang isinara ang bahagi ng municipal road sa bayan ng Ambaguio dahil sa pagguho ng lupa.

Nagbabantay naman sa bahagi ng daan sa bayan ng Kasibu na nagkaroon ng landslide ang ilang mieymbro ng  Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang magbabala sa mga motoristang tatahak  sa nasabing daan.

Sa pakikipagugnayan ng Bombo Radyo Cauayan sa Kasibu Police Station kaugnay ng naganap na pagguho ng lupa  sa barangay  Antutut, nabatid na patuloy ang road clearing operation at maaari nang daanan ang isang lane dahil ang kabilang lane lamang ang naapektuhan ng mud flow.

--Ads--

Pinangunahan ng Municipal Engineering Office ng  Kasibu ang road clearing operation sa national secondary road na patungong bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya.