--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na minomonitor ng Office of Civil Defense (OCD) Region 2 ang lagay ng mga daan at tulay sa Lambak ng Cagayan matapos na maitala ang pagguho ng lupa sa Nueva Vizcaya bunga ng patuloy na pag-ulan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Michael Conag, Information Officer ng OCD region 2, sinabi niya na sa kanilang pagmomonitor sa mga daan sa ikalawang rehiyon, naitala ang pagguho ng lupa sa bahagi  Nueva Vizcaya-Pangasinan Highway sa Imugan, Santa Fe, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Ginoong Conag, sarado ang nasabing daan kaya inabisuhan ang mga motorista na huwag munang dumaan doon dahil isinasagawa pa ang clearing operation.

Sarado rin ang Ilagan-Dinapigue road mula pa noong ika-11 ng Oktubre dahil sa mga nangyaring landslide sa boundary ng Dinapigue at Dilasag, Aurora.

--Ads--

Ilang overflow bridges sa Isabela ang hindi madaanan kabilang ang Alicaocao overflow bridge sa Cauayan City, Cabagan-Sta Maria overflow bridge at Kansan-Bagutari overflow bridge sa Cabagan, Isabela at ang Gucab overflow bridge sa Echague, Isabela.

Sarado rin ang Manglad overflow bridge sa Maddela, Quirino dahil sa mataas na antas ng tubig sa ilog.

Ang pahayag ni Ginoong Michael Conag.