CAUAYAN CITY- Malaki ang tiyansa na maging “lanslide” ang resulta para kay Trump sa Presidential Election sa Nobyembre 2024.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bombo International News Correspondent Marissa Pascual aniya na malaking bagay ang assassination attempt kay Trump sa kaniyang kandidatura dahil marami na umano ang nagpahayag na boboto sa kaniya maging ang ilan sa mga hindi nito taga-suporta.
Maging ang mga hindi sumusuporta kay Trump ay kinondena ang pangyayari at tila nagkaisa ang mga Republicans at Democrats matapos ang assasination attempt noong ika-14 ng Hulyo.
Dadalo pa din si Trump sa mga Campaign Rallies ngunit mas paiigtingin na ang security nito at wala ng limit ang magiging security personnel ng dating pangulo.
Samantala, ikinagulat naman nila ang pag-endorso ni Trump kay Ohio Senator JD Vance bilang Bise Presidente nito dahil hindi naman umano siya supporter ni Trump noon.
Malaking bagay din aniya ang background ni Vance sa kaniyang kandidatura na nagsimula sa isang payak na pamumuhay na maaaring makaantig sa damdamin ng mga Americano.
Siya aniya ang kauna-unahang Millennial at Marine Corps candidate sa pagka-Bise Presidente ng Estados Unidos.