--Ads--
CAUAYAN CITY – Ipinakulong ng isang 88 anyos na ama ang kanyang trenta anyos na anak bunsod ng pagiging lasinggero nito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa naturang ama mula sa San Mateo, Isabela, hindi na umano niya makayanan pa ang palaging pagwawala ng bunsong anak lalo na tuwing lango sa alak.
Aniya, kahit matanda na siya ay kaya pa niyang magtanim subalit ang kanyang anak ay walang alam gawin kundi humingi ng pera para pang-inom ng alak.
Tuwing lasing umano ito ay binabato ang bahay ng kanyang mga kapatid.
--Ads--
Pinipilit pa umano niya ang ama na kunin ang kanyang mana subalit ayaw nilang ibigay dahil sa wala naman siyang pamilyang bubuhayin sa halip ay lulustayin lamang nito sa pagbili ng alak.




