--Ads--

CAUAYAN CITY – Inihahanda na ang kasong alarm and scandal at Illegal Possession of Firearms ang isang security guard na nangpuslit at nagpaputok ng baril sa isang gasolinahan sa Roxas, Isabela.

Ang suspek ay si Meramel Baldonado, 34 anyos, binata, residente ng Minagbag, Quezon, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni SPO4 Fernando Zingapan, chief investigator ng Roxas Police Station na mayroon umanong concerned citizen ang nagsumbong sa mga nagpa-patrolyang kasapi ng Roxas Police Station na may isang security guard na isang beses na nagpaputok ng baril sa isang gasolinahan.

Agad tumugon ang mga pulis at nadatnan nila si Baldonado na may hawak na short fire arm habang siya ay mistulang nasa impluwensiya ng nakakalasing na inumin.

--Ads--

Dahil dito ay kanilang dinakip si Baldonado at dinala sa himpilan ng pulisya.

Ayon kay SPO4 Zingapan, ipinaliwanag ng employer ni Baldonado na lasing umanong dumating ang guwardiya nang magduty.

Pinagsabihan ang guwardiya na sanhi para mag-init ang ulo at kinuha ang 9mm pistol saka pinaputok.

Nakuha sa lugar ang isang basyo ng bala ng Cal. 9mm at ang baril na pinaputok ng suspek