--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang security guard ang nahaharap sa kasong paglabag sa Article 155 ng Revised Penal Code of the Philippines o Alarm and Scandal.

Ang security guard ay nakilalang si Rommel Amogawen, 31 anyos, tubong Kalinga at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Villasis, Santiago City.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Santiago City Police Station 1, lasing umano na nagtungo si Amogawen sa harapan ng Paaralan kung saan siya nagtatrabaho.

Makaraan ang ilang sandali ay napansin siya ng isang concerned citizens na nagpaputok ng baril sa harap ng paaralan na kaagad isinumbong sa mga pulis na naka-duty malapit sa paaralan.

--Ads--

Agad nagtungo sa loob ng paaralan ang suspek at nang lumabas ay wala na siyang dalang baril.

Dinakip ang guwardya at sinampahan ng kaso sa ilalim ng inquest proceedings.