--Ads--

Patuloy sa pamamayagpag sa Broadway Arena si Lea Salonga kahit hindi na ito sumasalang sa mga broadway production.

Ang latest sa karera ni Lea sa teatro ay ang paghilera sa kanya ng New York Magazine sa mga legendary actress-star ng Broadway.

Ibinida ng nasabing American-based magazine si Lea kabilang ang mga award-winning iconic theater actress na sina Liza Minnelli, Barbra Streisand, Whoopi Goldberg, Joel Grey, Patti LuPone, Rita Moreno at iba pa.

Nakasama si Lea sa theme ng NYMag sa 29 Broadway legends special edition bilang celebration sa anniversary ng Broadway.

--Ads--

Binalikan ng magazine ang natatanging pagganap ni Lea sa Miss Saigon noong 1991, na siya rin ang nagbigay sa kanya ng Best Actress Award mula sa Tony Awards.

Ibinahagi rin ni Lea sa kanyang IG ang balita tungkol sa NYMag kalakip ang larawan nito na makikita rin sa mga pahinga ng magazine.

Ilang dekada na mula nang masungkit ni Lea ang nasabing prestigious award na kauna-unahang Asian at Pinay actress.

Pero hanggang ngayon, patuloy na kinikilala ang kanyang marka sa Broadway.