--Ads--

CAUAYAN CITY – Pangungunahan ng  DILG ang safety seal standard bago magsagawa ng assessment sa kanilang mga nasasakupang establisimiento sa lunsod.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Local Government Operations Officer 2 Rambo Tambauan, sinabi niya na ang safety seal ay patunay na ang isang establisimento ay nakasunod sa mga ipinapatupad na minimum health protocols ng pamahalaan.

Layunin din nitong malaman ng  mga mamamayan na ligtas sila sa kanilang pagpasok sa establisimiento pag may nakita silang safety seal.

May kanya kanyang nakatalagang i-a-assess na establisimiento ang mga ahensya ng  LGU, DOT, DOLE, DILG at DTI.

--Ads--

Tatlo naman ang paraan ng pagkuha ng safety seal, una rito ay ang pag-apply sa ahensyang nakakasakop sa establisimiento, pangalawa ay ang pagbisita ng mga LGU o ang mga nasabing ahensya sa kanilang nasasakupan habang ang pangatlo ay sa pamamagitan ng complain.

Kahapon ay nagsimula na ang LGU Cauayan sa pag assess sa kanilang nasasakupang establisimiento sa lunsod.

Plano naman ng DILG katuwang ang BFP at PNP na isagawa ang assessment sa katapusan ng Hunyo.

Ang bahagi ng pahayag ni City Local Government Operations Officer 2 Rambo Tambauan