--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakiisa ang lunsod ng Cauayan sa paggunita sa Earth Hour kagabi na nag simula sa oras alas otso trenta hanggang alas nuebe trenta ng gabi.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Bernard Dy, sinabi niya ito ay idinaraos taun taon may kaugnayan sa Climate Change na isang global concern na kailangang bigyang pansin ng lahat.

Aniya bilang pagsuporta ay nagpatay ng ilaw ang buong City Hall at kagabi.

Ayon kay Mayor Bernard Dy, kahit sa maliit na paraan man lamang ay maiparamdam ng lunsod sa buong mundo na nakikibahagi sa pagbaka sa nangyayaring climate change.

--Ads--

Umaga pa lamang ay nakapagsagawa na ng tree planting ang mga mutya ng Cauayan kung saan nasa animnaput tatlong puno ang naitanim na inaasahang makakatulong sa pagbabago ng klima sa kapaligiran.

Ayon kay Mayor Dy, laging may mga aktibidad na isinasagawa ang lunsod tuwing earth hour ngunit dahil sa pandemya ay hindi ito nangyari ngayon bilang pagsunod sa health protocols.

Ang bahagi ng pahayag ni Mayor Bernard Dy.

Maliban sa mga opisina ng pamahalaang panlunsod ay nakiisa rin sa earth hour ang mga establisimiento at mga mamamayan na nagpatay rin ng ilaw sa kanilang mga bahay.

Ipinaliwanag naman ng PENRO Isabela ang kahalagahan ng Earth Hour sa kalikasan na lubhang apektado na ng global warming.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Chief Technical services division ng PENRO Isabela Reynaldo Ramos, ipinaliwanag niya na napakalaking bagay na ang pagpatay ng ilaw tuwing earth hour upang maibsan ang paggamit ng fossil fuels na karaniwang ginagamit sa mga generator sets at ibang bagay na gumagamit ng kuryente.

Aniya ang Earth Hour ay nakasanayan nang gunitain tuwing huling sabado ng Marso kada taon upang ipalaganap ang pagpapahalaga sa makakalikasang gawain upang maagapan kahit papaano ang climate change, global warming at conservation ng tubig dahil mararanasan na ang dry season sa bansa.

Ang bahagi ng pahayag ni Chief Technical services division ng PENRO Isabela, Reynaldo Ramos.