--Ads--

Puspusan na ang paghahanda ng lokal na pamahalaan sa Gawagaway-yan Festival ngayong taon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Ceasar Jaycee Dy Jr, ibinahagi niya ang mga aktibidad at lugar ng pagdadausan ng mga programa para sa festival.

Magsisimula ang selebrasyon sa ika-30 ng Marso hanggang ika-13 ng Abril bagamat ang mga programa ay isasagawa lamang sa weekend dahil sa pagsisimula na ng election period sa mga lokal na  kandidato.

Unang isasagawa ang Duathlon for a Cause sa Hacienda San Luis at nakatakdang tulungan sa programa ang School for the Blind.

--Ads--

Mayroon ding isasagawang auto-moto show and drag race, 3X3 Streetball basketball tournament mula April 1-13 na gaganapin sa isang malaking mall sa lungsod.

Nakatakda ring isagawa ang Gawa-Gawayyan Body Building Competion sa ika-6 ng Abril sa Isabela Convention Center o ICON kung saan hinikayat ni Mayor Dy ang mga residente na mahilig sa body building na lumahok sa nasabing kompetisyon.

Isasagawa rin ang elimination round ng Battle of the Bands sa ika-apat hanggang ika-lima ng Abril taong kasalukuyan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Gawagaway-yan festival sa lungsod.

Hinikayat ni Mayor Dy ang lahat na dumalo, makisaya sa mga gaganaping programa na inihanda ng lokal na pamahalaan para sa festival ng lungsod ng Cauayan.