--Ads--

CAUAYAN CITY – Suportado ng pamahalaang lunsod ng Cauayan ang pagsuspinde ng korte suprema ng pagpapatupad ng No Contact Apprehension Program o NCAP.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Caesar Jaycee Dy Jr., sinabi niya na suportado niya ang pasya ng korte suprema na magpalabas ng temporary restraining order sa nasabing polisiya upang maayos ang mga panuntunang  nito.

Bagamat malaki aniyang tulong ito upang mabawasan ang bilang ng mga motoristang mabilis ang pagpapatakbo sa lansangan ay paiigtingin na lamang nila ang pagbabantay ng mga traffic enforcers maging ng mga pulis dahil sa pagpapatigil dito.

Nanawagan siya sa mga motoristang dumadaan sa mga pambansang lansangan na nasasakupan ng Cauayan City na sumunod sa mga batas trapiko at huwag nang magpatakbo ng mabilis upang hindi maaksidente.

--Ads--