--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinanghal ang local government unit ng Cauayan City bilang over-all champion sa katatapos na Bambanti Festival 2018 sa lalawigan ng Isabela.

Ang lunsod ng Cauayan ay nakapagtala ng kabuuang 235 points sa ibat ibang kategorya na kinabibilangan ng Best in Choral Group; Best Makan ti Isabela; Best Mainum Ti Isabela; Best Bambanti Festival King and Queen; Best Giant Bambanti Installation 2018; Bambanti Agri-Ecotourism Booth; Best Street Dance Contingent and Best Dance Showdance Contingent.

Nakuha naman ng Alicia, Isabela ang 1st placer na may 215 points, 2nd placer ang bayan ng San Agustin na may 150 points, Echague,Isabela na 130 points at 4th placer ang Jones, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, hindi umano inaasahan ni Pununglunsod Bernard Dy na makakamit ng lokal na pamahalaan ang Over-all champion sa katatapos na Bambanti Festival 2018.

--Ads--

Aniya, lahat ng kategorya ay may entry ang lunsod at mapalad naman na laging pasok sa Top 5 na nagresulta upang makuha ang kampeonato.

Aminado ang pununglunsod na naging matindi ang labanan dahil wala umanong nais magpatalo at naglevel-up ang lahat ng entry ng bawat LGU’s.

Nauna na ring sinabi ni Mayor Dy na umabot sa mahigit apat na milyong piso ang inilaan ng lokal na pamahalaan sa paghahanda ng taunang Bambanti Festival.