--Ads--

CAUAYAN CITY – Ikinatuwa ng mga residente ang isinagawang Dulog at Dinig Outreach Program ng pamahalaang lungsod ng Ilagan sa bahagi ng Brgy. San Rodrigo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Information Officer Paul Bacungan, sinabi niya na sa pamamagitan ng nasabing Caravan, inilalapit ng pamahalaang lungsod ang serbisyo ng LGU sa mga kapos palad at malalayong barangay ang mga programa.

Ito ay kinabibilangan ng mga programa mula sa Persons with Disabilities Office, Ilagan Mobile Clinic, Mass Wedding, Jayve Cares Program, at iba pang government services.

Sa pamamagitan ng Dulog at Dinig Program ay mismong LGU ang lumalapit sa mga komunidad upang magbigay serbisyo sa mga residente.

--Ads--

Buong opisina aniya ng City Government ang naatasan ni Mayor Jay Diaz na magsagawa ng medical, dental, legal mission sa mga far flung barangays maging ang feeding program sa mga bata at distribusyon ng vegetable seedlings na itatanim ng mga residente.

Pinangunahan naman ni Mayor Diaz ang kasal ng labing limang magsing-irog.

Ayon kay Ginoong Bacungan maraming residente ang nakinabang dito dahil hindi na nila kailangan pang magtungo sa poblacion para sa mga dapat nilang iprosesong trnsaksyon dahil LGU na ang lumalapit sa kanila.