--Ads--

CAUAYAN CITY- Puspusan na ang paghahanda ng Philippine Athletic Track and Field Association (PATAFA) at City Government ng Ilagan bilang host sa gaganaping South East Asian Youth Athletic Championship na gaganapin sa Marso.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Ricky Laggui, Sports Coordinator ng LGU ilagan sinabi na handang handa na ang lunsod ng “Ilagan sa isasagawang South East Asian Youth Athletic Championship na magsisimula sa March 1, 2019 lalahukan ng mga delegado mula sa mga bansa sa Asya.

Kabilang sa mga lalahok ay ang mga delegado mula Japan, Singapore, Thailand, Sri Lanka, Syria at iba pang bansa sa labas ng Asya.

Ilan lamang sa inaasahang lalahok ay si SEA Games Gold medalist Eric Cray.

--Ads--

Habang susundan naman ito ng pagsisimula ng Philippine Athletic Championship sa March 2-8, 2019 na magsisilbing national open para sa mga atletang pilipino na pagpipilian para sumabak sa mga international athletic events

Anya ito ang ikalawang beses na magiging punong abala ang PATAFA sa South East Asian Ahletics Championship.

Ayon pa kay G. Laggui, ang National team naman ay bubuuin ng mga atleta ng pilipinas na nakilahok na sa mga international sporting events tulad ng Olympics, at Asian games.

Inaasahan din anya ang pagdating sa lalawigan ng nasa 2,000 atleta sa February 27-28, 2019.