CAUAYAN CITY– Puntirya ng local government ng Ilagan City na maging sports tourism destination ang lunsod matapos maluklok bilang Asst. Vice President ng Philippine Athletics Tracks and Field Association ( PATAFA )for Luzon si dating Ilagan City Mayor Jay Diaz.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Diaz na umaasa siya na magpapatuloy ang pagdaraos ng mga international sporting event sa Ilagan City na magpapalakas ng kanilang turismo.
Ito ay kasunod ng nalalapit na pagdaraos ng ASEAN Youth Olympics sa Marso, 2019 na gaganapin sa Ilagan Sports Complex na lalahukan ng mga manlalaro mula sa South East Asian countries na susundan ng Ayala National Open at Batang Pinoy.
Dahil dito, puspusan na ang paghahandang ginagawa ng LGU-Ilagan City para sa mga nalalapit na laro.
Ito na ang pangatlong beses ng Ilagan City na magiging host ng PATAFA.