--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaasahan ng Local Government Unit ng Ilagan City na magiging punuan ang mga hotels dahil sa pagdaraos ng 2018 Philippine Athletics Championships.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Public Information Officer Paul Bacungan na pupulungin nila ang mga iba’t ibang ahensiya, pamunuan ng mga hotels, negosyante at transportation group upang ipaalam ang nasabing aktibidad at maging handa.

Gaganapin ang 2018 Philippine Athletics Championships sa May 17-21 2018.

Inaasahan naman na ito na dadaluhan ng delegado mula sa iba’t ibang bansa.

--Ads--

Kaugnay nito, hiningi ni Public Information Officer Bacungan ang suporta ng mga taga Isabela pangunahin na ng mga taga City of Ilagan na panoorin ang nasabing aktibidad.