Binigyang-pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Ilagan ang mga natatanging Ilagueño kasabay ng pagtatapos ng selebrasyon ng 13th Cityhood Anniversary ng lungsod.
Pinarangalan bilang Most Outstanding Ilagueño 2025 si Atty. Bernard Olalia habang tinanghal naman bilang Outstanding Ilagueño in the Field of Journalism si Bombo Angelica Morales, assitant station manager ng Bombo Radyo Cauayan, bilang pagkilala sa kanyang dedikasyon at serbisyo sa media.
Kabilang din sa mga pinarangalan sina Engr. Erni Baggao para sa Entrepreneurship, Dr. Eduardo Quilang para sa Science and Technology, Judge Jeffrey Cabasal para sa Professional Field, Dr. Emmanuel Añes para sa Health, at Vanessa Calderon para sa Agriculture.
Ginawaran din ng parangal sina Atty. Danver Arzaga para sa Public Service, Geralyn Gangan para sa Women Empowerment, Lt. Col. Ernesto Nebalasca at PCapt. Noralyn Andal para sa Law Enforcement, at Nida Aranda para sa Education.
Kasama rin sa listahan ng mga kinilala sina Engr. Christian Angelo Butac para sa Youth Development, Alvin Liad para sa Culture and Arts, at ang Ilagan Isabela Cowboys para sa Sports.
Tumanggap ng Special Citation si Dr. Dominic Agoot para sa Education, si Chester Lim para sa Youth, si Richard Baltazar para sa Culture and Arts, at si Dir. Samuel Solomero para sa Professional Field.
Nagpasalamat si Mayor Jose Marie Diaz sa lahat ng nakiisa sa pagdiriwang at nagbalik-tanaw sa mga proyektong naisakatuparan at mga karangalang natamo ng lungsod sa loob ng 13 taon.
Binigyang-diin ng alkalde ang The Capital Arena bilang pinakabagong pasilidad na itinayo sa ilalim ng kanyang pamumuno na ngayon ay ginagamit para sa iba’t ibang aktibidad.
Ayon kay Mayor Diaz, unti-unti nang natutupad ng Ilagan ang pangarap na maging Regional Center of Development at Emerging Acropolis of the North.











