--Ads--
CAUAYAN CITY- Plano ng Pamahalaang Lunsod na magpatupad ng regulasyon sa paggamit ng single use plastics sa pamilihan sa Cauayan City, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sanguninang Panlunsod Member Bagnos Maximo Jr. sinabi niya na isa sa nakikitang dahilan sa pagbaha sa lunsod ay ang pagbabara ng mga plastics sa drainage canals.
Sa katunayan aniya ay naisakatuparan na ang City Ordinance 2021-403 na nakakasaklaw sa pagbabawal ng paggamit ng plastics sa lahat ng pamilihan sa Lunsod noon pang nakaraang taon subalit hanggang ngayon ay hindi parin sinusunod.
Kasalukuyan ang committee hearings kaugnay sa ipapataw na parusa sa mga mahuhuling lumalabag.
--Ads--