--Ads--
Prayoridad ngayon ng mga Lokal na Pamahalaan ng San Mateo Isabela ang pagsasaayos sa mga baradong drainage canal bilang paghahanda sa pag-ulan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kapitan Manolito Barris ng Barangay Marasat Pequenio, sinabi niya na may mga nailatag na silang programa kung saan pinaglaanan na nila ng pondo partikular ang pagsasaayos sa drainage canal sa kanilang nasasakupan.
May mga road concreting projects din na nakahanay ngayon at completion ng Barangay Multipurpose Hall.
Aniya maliban dito may mga maintenance projects din sila kung saan isa sa mga nakahanay ay ang street lights.
--Ads--
Ang mga proyekto ay napaglaanan nila ng pondo maging pondo mula sa Municipal LGU.











