--Ads--

CAUAYAN CITY- Magkakaloob ng isang daang libong piso na reward money ang Local Government Unit ng San Mateo Isabela sa sinomang makakapag bigay ng impormasyon o makakapagturo sa mga salarin na nanloob at tumangay sa apat computer units ng Rural Health Unit ng naturang bayan.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Cauayan kay Municipal Mayor Gregorio Pua, sinabi niya na kahapon araw ng Linggo nadiskubre ng isang janitor na sana ay maglilinis na nawawala na ang mga computer unit ng naturang opisina.

Agad na nakipag coordinate sa San Mateo Police Station na ngayon ay nagsasagawa na ang malalimang imbestigasyon para tukuyin ang mga magnanakaw.

Maliban sa mga salarin ay iimbestigahan din ng LGU San Mateo ang dalawang assigned guard sa RHU na kapwa miyembro ng Public Order and Safety Unit o POSU.

--Ads--

Iginiit ni Mayor Pua na anuman ang dahilan ng dalawang POSU meber ay tinitiyak niyang maalis ang mga ito sa pwesto pagkatapos ng election period sa June 13.

Sa katunayan ay pinagpaliwanag na ng Human Resource ang hepe ng POSU kaugnay sa kanilang naging pagkukulang sa insidente

Dagdag niya na aagapay sila sa ginagawang pagsisiyasat ng PNP dahil importanteng mga impormasyon ng mga pasyente at datos ang laman ng mga computer na ninakaw.

Sinomang may ipormasyon ay hinihikayat niyang dumiretso sa kaniya sa pagbibigay ng tip o impormasyon at titiyakin niya proprotektahan niya ang pagkakakilanlan nito.