--Ads--
Pinalawig pa ng Pamahalaang Lokal sa Bayan ng San Mateo ang pagbabayad ng mga Business Operators ng taxes at business Permit ng walang surcharge at penalties.
Pinagtibay ng Sanguninang Bayan ng San Mateo ang isang kauutusang nagbibigay ng extension sa palugit o deadline sa pagbabayad at pagkuha ng Business permit hanggang March 31,2025.
Layunin nito na mapataas o madagdagan pa mga negosyong magpaparehistro o nagrenew ng business permit.
Nilinaw naman ni Business Permit and Licensing Officer Ronnie Lopez na hindi na makakatanggap ng dikwento ang mga Business operators na lumagpas sa deadline subalit wala namang babayarang charge o penalty.
--Ads--