--Ads--

CAUAYAN CITY- Umabot sa 1,064 pamilya 4,285 na katao ang inilikas sa Cagayan at Nueva Vizcaya dahil sa epekto ng Bagyong Crising

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Dirtector Lucy Alan ng DSWD Region 2, sinabi niya na umabot sa dalawang probinsya ang apektado ang Cagayan at Nueva Vizcaya na may kabuuang 17 affected barangays at 1064 apektadong pamilya na katumbas ng 4,285 katao.

633 individuals ang nanatili sa evacuation sa kasalukuyan o 1779 na katao sa 66 evacuation center sa buong rehiyon.

Naitala nila ang isang totally damage house at walang naiulat na partially damage.

--Ads--

Tuloy tuloy ang pamamahagi ng family food packs ng mga LGU at MSWDO na may kabuuang bilang na 132 sa Cagayan.