--Ads--

Umabot na sa 3,865 pasahero ang stranded sa mga pantalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa nitong Huwebes ng umaga, Pebrero 5, dahil sa Bagyong Basyang.

Batay sa tala ng Philippine Coast Guard (PCG) mula alas-4 hanggang alas-8 ng umaga, stranded din ang 1,127 rolling cargo, 79 na barko, at isang motorbanca. Nasa 111 barko at 21 motorbanca naman ang pansamantalang sumisilong sa mga pantalan.

Saklaw ng datos ang mga pantalan sa Northeastern Mindanao, Southwestern Mindanao, Bicol, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Central Visayas, Southern Visayas, at Western Visayas.

Samantala, ayon sa PAGASA, bumilis ang pagkilos ng Bagyong Basyang habang papalapit sa Eastern Mindanao. Huli itong namataan sa layong 295 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, dakong alas-10 ng umaga nitong Huwebes

--Ads--