--Ads--

CAUAYAN CITY- Natangay ng hinihinalang miyembro ng “Termite Gang” ang nasa 250,000 pesos cash at 15 bank checks matapos isagawa ang tunneling sa isang kooperatiba sa Brgy. San Pedro, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ayon sa imbestigasyon, dumaan ang mga magnanakaw sa kanal na may higit 1km ang layo mula sa entrada at naghukay ng tunnel na 3 metro papunta sa ilalim ng establisyemento.

Dahil sa insidente pinulong na ng pamunuan ng Bagabag Police Station ang may-ari at kawani ng iba’t ibang negosyo sa lugar para mabigyan ng paalala sa mga kawatan na naghahanap lamang ng pagkakataong makapangbiktima.

Muling biniyang diin ng pulisya ang kahalagahan ng paglalagay ng CCTV, pagtatalaga ng security guard lalo na sa gabi at alarm system.

--Ads--

Sisimulan narin nila ang pag inspeksyon sa mga kanal upang tiyakin na wala ng ibang establishimento na papasukin gamit ng mga kanal.