--Ads--
CAUAYAN CITY – Nagtulung-tulong ang mga residente at mga bombero ng San Mateo Fire Station para apulahin ang sunog na sumiklab sa library ng Mary Shine of St. Matthew School sa Barangay 4, San Mateo, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa ilang residente, nakarinig sila ng malakas na kalabog bago nagsimula ang sunog.
Mapalad naman na wala na ang mga estudyante sa loob ng paaralan dahil tapos na ang klase nang maganap ang sunog.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga kasapi ng Bureau of Fire Protection ang naging sanhi ng sunog.
--Ads--
Dahil sa sunog ay pansamantalang nasuspinde ang pasok ng mga mag-aaral dahil kailangan pang isailalim sa pagsusuri ang lahat ng electrical wirings ng eskwelahan.