--Ads--

CAUAYAN CITY – Inilunsad ngayong araw sa isang malaking mall sa lungsod ng Cauayan ang Electric Vehicle Charging Station.

Ayon kay Assistant Mall Manager Rowinson Valmonte, ang SM Cauayan City ang ika-58 na mall na nagkaroon ng E-Vehicle Charging Station sa buong Pilipinas.

Ito rin umano ang unang mall sa Isabela na nakapaglunsad ng nasabing proyekto.

Dahil dito, ang nasabing charging station ay bukas sa lahat ng mayroong e-vehicle kung saan ipapagamit ito nang libre.

--Ads--

Dagdag pa ni Assistant Manager Valmonte na dahil marami na ang mga supplier ng e-vehicle ay tumaas din umano ang bilang ng mga gumagamit nito.