Inihain ni House Majority Leader at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos ang isang panukala upang gawing libre ang kuryente para sa mga pamilyang mababa ang konsumo.
Nakasaad ito sa House Bill No. 2700 o “Free Electricity for Low-Consumption Households Act” na kanyang inihain.
Layunin ng panukala na alisin ang kasalukuyang cross-subsidy system at palitan ito ng direktang subsidiya mula sa pamahalaan, na sasagot sa bayarin sa kuryente ng mga kwalipikadong household na pasok sa itinakdang buwanang threshold.
Sa ilalim ng panukala, hindi rin papatawan ng 12% value-added tax (VAT) ang bahagi ng bayarin na sasagutin ng gobyerno.
Ayon sa panukala, maituturing na eligible ang isang household kung ang average monthly consumption nito ay hindi lalampas sa 135 kilowatt-hours sa loob ng tatlong buwan, o kung ang buwanang bill ay hindi hihigit sa ₱2,000.











