--Ads--

Ilang linggo bago ipagdiwang ng bansa ang Undas o ang All Saints’ Day at All Souls’ Day, isang panukalang batas na nag-aatas sa gobyerno na magbigay ng libreng serbisyong libing para sa mga mahihirap na Pilipino ay awtomatikong naging batas na kahit walang lagda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ay para sa mga walang kakayahang tustusan ang disenteng libing para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Ang naturang batas na tinaguriang Republic Act No. 12309 o ang “Free Funeral Services Act,” ay naging ganap na batas noong Setyembre 28, 2025.

Bagaman hindi pa ito nailalathala sa Official Gazette website makikita na ang kopya nito sa opisyal na website ng Senado.

--Ads--

Ayon sa RA 12309 itinatakda ng Estado ang polisiya na itaguyod ang makatarungan at dynamic social order na magtitiyak sa kasaganaan at kalayaan ng bansa at magpapalaya sa mga mamamayanng Pilipino mula sa kahirapan.

Ito ay sa pamamagitan ng mga patakarang nagbibigay ng sapat na serbisyong panlipunan, nagsusulong ng ganap na trabaho, mas mataas na antas ng pamumuhay, at mas maayos na kalidad ng buhay para sa lahat.